Imbestigasyon vs Gatdula pinigil ng korte

IPINAHINTO ng korte ng Maynila ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa sinibak na si dating NBI Director Magtanggol Gatdula  hinggil sa kanyang kasong pangongotong na nag-ugat sa pagdukot sa Hapones na si Noriyo Ohara.

Ito ay nang ibaba ni Manila RTC Executive Judge Marino Dela Cruz ang temporary restraining order (TRO) na may bisang 72 oras, kung saan tinukoy ng hukom sa kanyang desisyon ang Rule 58 Section 5 ng Rules of Court.

Partikular na pinipigil ng TRO ang Malakanyang at DoJ sa pagdaraos ng imbestigasyon laban kay Gatdula.

Sa tatlong pahinang kautusan, nakasaad na may kapangyarihan ang korte na ikonsidera ang aplikasyon para sa pagpapalabas ng TRO lalo na kung ang kaso ay napakahalaga at ang aplikante o ang petitioner ay makararanas ng grave injustice at irreparable injury.

Nauna nang naghain si Gatdula ng urgent petition for certiorari and prohibition sa korte sa Maynila makaraan siyang masibak bilang pinuno ng NBI.

Nai-raffle na ang kaso na napunta kay Manila RTC Judge Felixberto Olalia na nagtakda naman ng pagdinig sa ika-30 ng Enero, 2012.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply