Impeachment articles binago ng House panel

INAPRUBAHAN muli ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagbabago sa presentasyon ng article of impeachment laban kay Chief Justice Renato Corona sa kabila ng pagtutol ng depensa sa pabago-bago ng House prosecution panel.

Sa kanilang mosyon, sinabi ni Iloilo Rep. Neil Tupas, kung dating isusunod ng House panel ang Article 1 sa lilitisin ng impeachment ginawa nila itong Article 3, sumunod ang Article  7, Article 1, Article 8, Article 4, Article 5, at Article 6.

Ayon kay Tupas, wala sa impeachment rule ng Mababang Kapulungan na kailangan sundin ang tunay na pagkakasunod-sunod ng bilang ng Articles of Impeachment na dapat ihanay sa lilitisin sa impeachment court.

“Wala po sa aming impeachment rules na kailangang sundin ang pagkakasunod-sunod ng bilang ng Articles of Impeachment,” ayon kay Tupas.

Dahil dito, ibinasura ni Enrile ang reklamo ng depensa na nauna nang inaprubahan ng impeachment court ang bilang ng pagkakasunod-sunod na tatalakaying artikulo ng reklamo.

“Hindi natin puwedeng panghimasukan ang sariling impeachment rules ng Mababang Kapulungan, kaya karapatan nilang baguhin ang estilo ng kanilang presentasyon,” ayon kay Enrile.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply