Impeachment Court ‘di pinayagan na talakayin ang ill-gotten wealth ni Corona

HINDI pumayag ang Senate Impeachment Court na talakayin ang mga umano’y ill-gotten wealth ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Matapos maghain ng kani-kanilang memorandum ang prosekusyon at depensa, nagpalabas ng ruling si presiding judge Juan Ponce-Enrile na nagsasabing hindi pwedeng magprisenta ang prosecution ng mga ebidensya at testimonya patungkol sa umano’y mga nakaw na yaman ni Corona.

Batay sa ipinalabas na ruling, maaaring maglabas ang prosekusyon ng mga ebidensya at testimonya ukol sa Article 2 paragraph 2.1 hanggang 2.3, maliban sa paragraph 2.4.

Sa paragraph 2.1 ng Article 2 ng impeachment complaint, nakasaad ang umano’y pagkabigong magsumite ng statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ni Corona.

Tinutukoy naman sa paragraph 2.2 ang hindi pagsasapubliko ng SALN ng punong mahistrado.

Nakalagay naman sa paragraph 2.3, ang mga ari-arian umano ang punong mahistrado na hindi nito idineklara sa kanyang SALN habag sa paragraph 2.4 naman ang usapin sa umano’y ill-gotten wealth.

Kapwa naman nagsabi ang panig ng prosekusyon at depensa ng kagustuhang maghain ng motion for reconsideration sa Impeachment Court.

Humingi rin ang dalawang kampo ng kopya ng naging ruling ng Impeachment Court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply