Impeachment: It’s more fun

O KAYO sa Philippine Tourism Authority.

Pagkakataon ninyo ngayon na mag-imbita ng mga turista para pumarito sa repablik ni Juan.\

Ke dayuhan o migrante.

Isa sa mga magagandang pelikula na pupuwede nilang panoorin ang pag-uusig kay Chief Justice Corona sa kasong impeachment.

Pupuwedeng live at libre pa.

Libre ang tiket at hindi katulad sa pelikula sa mga sinehan na napakamamahal kaya namamatay ang industriya ng pelikula rito.

Bumibili na lang ng pirated na DVD si Juan para makapanood ng pelikula dahil P20 lang ang isa.

oOo

Nitong ikalawang araw, napanood ang funny o nakatutuwa na eksena.

Biruin ninyo, hindi ready ang mga kongresman-piskal na magpresenta ng kanilang mga ebidensya at testigo para sa unang kaso kaya lumundag sila sa pangalawang kaso.

Siyempre pa, hindi rin naging redi ang depensa o parte ni Corona.

Tinabla tuloy ng mga senador-hukom ang pag-uusig at pinauwi nang maaga ang mga bida at kontrabida sa pelikula.

Pagkatapos sa Senado, nagkaroon ng ekstensyon ang pelikula.

Nagkaroon ng kanya-kanyang press conference ang mga magkakalaban.

Eto ang nakatatawa o more funny.

‘Yung mga kongresman-tagausig ay nanawagan na magkusa nang magsabi ng kanyang sariling kalokohan si Corona alang-alang daw sa bayan.

Eh sino naman ang loko-lokong aamin ng kanyang pagkakasala na ikakukulong niya sa huling mga araw?

O ‘di ba “It’s more fun in the Philippines?”

oOo

Meron lang tayong napansin.

Marami ang hindi nanonood dahil hindi nila maintindihan ang salita ng mga bida, kontrabida at hukom.

It’s very funny talaga!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply