Impeachment nais tapusin bago mag-Kuwaresma

NAIS ng isang senator-judge na tapusin ang impeachment trial laban kay Chief Justice Renato Corona bago sumapit ang Mahal na Araw sa unang linggo ng Abril.

Sinabi ni Senate Majority Leader Vicente “Tito” Sotto III na obligado ang Senado na mag-adjourn sa Marso 24 hanggang Mayo 6 kung kayat kailangang sumunod din ang Senate impeachment court sa schedule ng bakasyon ng Kongreso.

“The impeachment court is the Senate and the Senate has a schedule and the schedule is also in line with the schedule of the House of Representatives,” paliwanag pa niya.

Ayon kay Sotto, kung aabutan pa ng Holy Week break ang impeachment trial ni Corona ay baka makaapekto ito sa momentum ng prosekusyon o ng defense panel.

“Hopefull, I’m keeping my fingers crossed na by the Easter break eh tapos na. kasi ayaw din nating tumagal ito, pag tumagal ito sige baka malamigan sila,” babala pa ni Sotto.

Kaugnay nito, ibinalita din ng senador na hindi na muna siya mapapanood sa noontime variety show na Eat Bulaga matapos na mag-leave of absence siya bunga ng pag-upo nito bilang isa sa mga senator/judge ng Senate impeachment court.

Nagbiro pa si Sotto na malaking halaga ng talent fee ang mawawala sa kanya dahil sa pagbabakasyon sa Eat Bulaga upang gampanan ang kanyang trabaho bilang isa sa mga judge ng impeachment court.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply