Impeachment ni Justice Del Castillo sa Kamara kinansela

MULING kinansela ang pagdinig ng House Committee on Justice sa impeachment case laban kay Supreme Court Associate Justice Mariano del Castillo.

Dapat sana’y ngayong 9:30 ng umaga ang hearing sa komite, subalit inanunsyo ni Iloilo Rep. Neil Tupas Jr., chairman ng komite na kinansela na ito.

Paliwanag ni Tupas, idedetermina pa umano ng mga miyembro ng House Committee on Justice kung ano ang direksyong dapat na tahakin ng Del Castillo impeachment case.

Aniya, may tatlong opsyon ang komite: una, kumpletuhin ang proseso at ipa-impeach si Del Castillo; pangalawa, pagbotohang i-dismiss na lamang ang kaso at pangatlo, ibasura ang kaso dahil sa kakapusan ng oras.

Bagama’t alam na kakaunting araw na lamang ang nalalabi mula sa 60 session days na inilaan, inamin naman ni Tupas na naging factor ang pagiging abala niya, at iba pang prosekutor na miyembro ng House Justice Committee sa Corona impeachment trial.

Nauna nang naideterminang sufficient in form and substance ang Del Castillo impeachment case, at dapat sana’y tutukuyin kung may grounds ba ito ngunit napurnadang muli.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply