‘Impeachment, pagsasayang ng oras at pera ng bayan– bishops

PAGSASAYANG lamang ng oras at salapi ng taumbayan ang impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona, ito ay ayon sa mga obispo ng Simbahang Katolika.

Kaugnay nito, umapela ang mga Catholic bishops sa mga senador na madaliin ang pagdinig sa reklamo na ngayon ay nasa ikalawang araw.

Ayon kay Digos Bishop Guillermo Afable, araw-araw ay gumagastos ang mga mamamayan sa nasabing trial at kung patatagalin pa ito ay tiyak aniyang malaking pera ng bayan ang mauubos dito.

Aniya pa, ang mga mamamayan ang talo sa sandaling tumagal at nagmistulang telenovelang impeachment.

“Sana madaliin yan, araw-araw siyempre gumagastos tayo, ang tao ang nagbabayad,” ayon kay Afable sa panayam ng church-run Radio Veritas.

Ikinadismaya rin ni Afable ang labis-labis na pagbibigay ng halaga ng pamahalaan sa kaso ni Corona kaysa sa pangangailangan ng sambayanan partikular na ang mga nasalanta ng bagyong Sendong.

Samantala, sinegundahan naman ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang sinabi ni Afable.

Ayon kay Cruz, ang binuong impeachment court ay malaking gastusin o mabigat na pasanin para sa mamamayan dahil lahat ng bumubuo sa impeachment court ay swelduhan ng mamamayan.

Giit pa ni Cruz, sa halip na sayangin sa impeachment kay Corona ang pera ng taumbayan ay dapat sanang ipinangtulong na lang ito sa mga biktima ni Sendong sa Northern Mindanao.

“Lahat ng kabilang sa impeachment court, mga mambabatas, mga prosecutors, mga pribadong prosecutors, Senator-judges, mga staff, maging ang Chief Justice at mga testigo ay suwelduhan ng mamamayan. Malaking gastos ito para sa mga mamamayang Filipino. Katakot-takot ang pinsala ng Sendong, pero saan nakatuon ang pansin ng pamahalaan, laganap ang krimen, laganap ang droga, saan ang mga pulis? Doon sila nagbabantay sa Senado” aniya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply