Impeachment pinangangambahang magamit sa halalan

NANGANGAMBA si Solidarity Philippines convenor Fr. Joe Dizon na baka magamit ng mga pulitiko para sa kanilang kandidatura ang impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Dizon, malapit na ang 2013 elections at hindi malayong samantalahin ng mga pulitiko ang kontrobersiyal na impeachment complaint para sa kanilang interes.

Kaugnay nito, nanawagan rin si Dizon sa mga senator-judges na humahawak sa impeachment case laban kay Corona na maging objective at makatotohanan sa paghawak sa naturang kaso.

Hinimok rin ni Dizon ang taumbayan na makialam at maging mapagmatyag sa impeachment case upang lumabas ang katotohanan sa usapin.

Iginiit ni Dizon na hindi dapat mahahadlangan ng political grandstanding at political gimmick ang paglabas ng katotohanan sa reklamo.

“Bantayan natin ang impeachment process na hindi magagamit primarily for political ends of any political groups. Dapat impartial yan, dapat yung truth ay maipalabas at objective na maiprisinta ang lahat ng bagay,” ani Dizon, sa panayam ng church-run Radio Veritas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply