Impeachment process pag-aralan – Rufus

PINAYUHAN ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang mga miyembro ng prosecution team mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na pag-aralang mabuti ang impeachment process kaysa magsasalita sa  media.

Ayon kay Rodriguez, mas magiging kahiya-hiya ang Kamara sakaling mangyaring maabswelto si Chief Justice Renato Corona sa impeachment articles na isinampa ng House prosecution.

Si Rodriguez ay hindi kasama sa 188 na lumagda sa articles of impeachment laban sa punong mahistrado.

Samantala, kahit may mga pasabi ng mga tumatayong husgado na mga senador para sa mga House prosecutor na maghinay-hinay ng paglalatag ng mga ebidensya at pagbibigay ng merito sa nalalapit na pagdinig ng impeachment court laban kay Corona ay nanatili pa ring bukas at nagiging palaban ang mga ito.

Kanina lamang ay nagpahayag pa ng kanyang paghamon si House prosecution panel spokesperson Miro Quimbo na ihanda na ng punong mahistrado ang kanyang deed of donation sa kanyang mga kuwestyunableng ari-arian.

Ayon pa kay Quimbo, hawak na nila ang kopya ng certificates of title at condominium certificates para patunayan ang kanilang alegasyon.

Ito ay bilang tugon sa pahayag ni Corona na nakahanda siyang ibigay ang sinasabing 45 ari-arian kapag napatunayang sa kanya ito o ng kanyang pamilya.

Sa inilabas na dokumento mula sa Land Registration Authority (LRA), sinasabing nagmamay-ari ang pamilya Corona ng 45 properties, kasama na ang ilang kabahayan at condo units.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply