Impeachment trial dapat pabilisin – Recto

IBINABALA ni Sen. Ralph Recto na kundi pabibilisin ng Senado ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona, lubhang maapektuhan ang bansa na siyang magpapabagsak sa ekonomiya.

Dahil dito, hiniling ni Recto sa kasamahan sa Senado bilang impeachment court na dapat mabilis ang paglilitis kay Corona upang maibaling ang atensiyon ng bansa sa pagpapaangat ng ekonomiya na sinalanta ng maraming pandaigdigang krisis.

“Kailangan mabilis ang impeachment upang hindi bumagsak ang ating ekonomiya,” ayon kay Recto.

Sinabi ni Recto na kung gaano kabilis matatapos ng Senado ang kaso ni Corona, ganoon din kabilis tayo makasusulong upang harapin ang mas maraming hamon dahil maraming kinahaharap ang “mundo ng di-pamilya na pagbabago.”

“Humaharap ang US at Europa sa isang hamong pange-ekonomiya na hindi natin nakita sa ilang dekada; hindi pa tumitining ang sinasabing Arab Spring sa Gitnang Silangan at oras na lamang ang hinihintay upang tumungo ang sigalot sa ating dalampasigan. Kaya dapat magsimula na tayong punan ang ating economic sandbags,” paliwanag ni Recto.

Aniya, umaasa ang ating mamamayan na magkaroon ng madaliang pagbangon na sinalanta ng bagyong pang-ekonomiya tulad ng pagtaas ng halaga ng presyo ng langis, toll fees at malapit nang dagdagan ang singil sa pasahe sa MRT-LRT at hindi pa kasali dito ang kalamidad na sumalanta dulot ng mapangwasak na bagyo.

“We cannot afford to use all our energies in the impeachment while most of us feel that they were not economically better off compared to the previous year. There is still that culprit called poverty that needs to be impeached,” giit niya.

Iginiit pa ni Recto na kahit guilty o hindi si Corona sa impeachment trial, kailangan niya ng mabilis na paglilitis.

“We can only appeal that Corona and his defense would not tax further the patience of our people by avoiding a prolonged trial, which the Senate, under Manong Johnny, won’t allow to happen,” aniya.

“The family and friends of Corona seeking retribution for the pain and humiliation caused by this impeachment process would prefer a speedy trial to clear his name,” dagdag ni Recto.

Nakatakdang buksan ng Senado ang impeachment court sa Lunes matapos mabuo noong nakaraang Disyembre. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply