Impeachment trial ni Corona magastos na telenovela

MISTULANG magastos na “telenovela” ang impeachment complaint na kinakaharap ngayon ni Supreme Court (SC) Chief Justice Renato Corona sa Senado.

Ito ang paniniwala ni Lingayen Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP).

Sinabi ni Cruz, na tiyak na matatagalan pa bago makarating sa finish line ang kaso laban sa Punong Mahistrado dahil tiyak na marami pang mosyon ang hihilingin nito sa Senado.

Wala pa rin naman umanong nakukuha sa Senado ang impeachment hindi tulad sa Kongreso noon na nakahanda na.

Bukod dito, tiyak din aniyang maninimbang ang mga senador sa gagawin nilang desisyon sa kaso ng Chief Justice dahil nalalapit na ang 2013 national elections.

“Matatagalan yan dahil unang-una wala pa naman silang makukuhang numero sa Senado na talagang nakahanda tulad ng Kongreso. At marami pang mosyon na ihahain diyan ang kampo ni Corona. Mahabang proseso yan at magiging telenovela iyan ,it is very costly. Isa pa, malapit na ang 2013 elections at maraming mga reelectionist senator ang maninimbang diyan,” ayon kay Cruz, sa panayam ng church-run Radyo Veritas.

Naniniwala rin si Cruz na usaping pulitika ang impeachment case at pangalawa na lamang ang pagtuklas sa katotohanan.

Matatandaang una nang inihayag ni Eastern Samar Congressman Ben Evardone na sa motion to preliminary investigation pa lamang na isinampa ni Corona sa Senado ay aabutin na sa pito hanggang walong buwan ang proseso.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply