Impeachment trial vs Corona itutuloy bukas

PANSAMANTALA nang itinigil ang isinasagawang impeachment trial laban kay CJ Renato Corona ng Senator-judges at ipinatutuloy ang paglilitis bukas.

Nauna nang ibinasura ng Senado ang hiling ni Corona na preliminary hearing sa kanyang kaso para alamin aniya muna ng senator-judges kung may sapat na basehan para ituloy ang impeachment trial laban sa kanya.

Sa opening statement ng kampo ni Corona, iginiit ni defense lead counsel at dating associate justice Serafin Cuevas na “null and void” ang impeachment complaint laban sa punong mahistrado dahil hindi aniya nasunod ang tamang proseso para rito.

Partikular na tinukoy ng depensa ang kabiguan ng Kamara na bigyan ng pagkakataon si Corona na sagutin ang mga alegasyon laban sa kanya, bago iniakyat sa Senado.

Bukas ay ipinalalabas ni Senate President Juan Ponce Enrile ang mga ebidensiya para makumbinsi ang senator-judges kung bakit dapat na ibasura ang impeachment case laban kay Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply