Impeachment vs Corona bukas inaabangan na

MAGSISIMULA na bukas ang pinakaaabangang impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Itinakda ang paglilitis ng alas-2:00 ng hapon at tatagal ng hanggang 4:00 ng hapon mula araw Lunes, Martes at Huwebes.

Handang handa na rin ang Senator-judges sa gagawing trial maging ang panig ng prosekusyon at depensa.

Iginiit ni Senate Majority leader Vicente Sotto III, pormal nang nagpatawag ng caucus si Senate President at Presiding judge Juan Ponce Enrile bago pa man simulan ang trial upang pag-usapan ang magiging hakbang ng impeachment court.

Sinabi pa ni Sotto na mahalaga ang gagawing caucus upang maiwasan ang delay o ang pagbinbin ng paglilitis.

Nauna na ring iginiit ni Senador Gringo Honasan, binasa at pinag-aaralan na nila ang lahat ng dokumento at sinasamahan din ng pagdarasal upang maisilbi ang hustisya sa isyu.

Binigyaang diin nito na hindi lamang si Corona ang on-trial sa impeachment kundi maging ang sistema sa pagpapatakbo ng demokrasya o ang justice system gayundin ang character ng mga Pilipino.

Magiging batayan sa trial ay ang rules of evidence ngunit ang pulso ng bayan at kung ano ang nakabubuti sa lahat at sa bansa ang magiging prevailing factor sa pagbibigay ng hatol.

Ayon pa Kay Sotto, ang posibleng mangyari lamang sa unang araw ng trial ay ang ipakilala ang prosecutors at posibleng magharap siya ng mosyon para pag-usapan ang ilang pleadings partikular na ang kahilingan na magkaroon ng pre-trial.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply