Impitsmen: More fun na!

IMPITSMEN uli.

Sa wakas, nag-Filipino o nag-Tagalog na ang mga bida at kontrabida sa kasong impitsmen sa Senado.

Unang-una sa mga natutuwa si Juan.

Ikalawa si Senador Tolits, si Leon Guerrero, na nagsabing sa tagal ng pagiging senador niya ay nahihirapan pa ring umintindi ng salita ng mga tutyal na mga abogado.

‘Di lalo na umano ang maraming lahi ni Juan?

At ano ang susunod?

oOo

Sabi ni Inday Miriam, kung wala lang ang media, lalo na ang telebisyon, isang linggo lang e matatapos na ang kaso.

Dahil sa media, ugali ng mga kapwa niya mga mambabatas ang magpasiklab kaya maaaring magtagal ang kaso.

Kumbaga, ginagawang laro ang seryosong impitsmen para lang sila makapagpasikat? Naku naman.

oOo

Isa sa mga magagandang nangyari ang pag-oper ni Manong Johnny ng kanyang upuan bilang bosing ng impitsmen kort sa naglalaway na pumalit sa kanya.

Ang siste, nakararami ang may gustong manatili siyang Mr. President ng impitsmen kort dahil sa kanyang kahusayan sa batas at patas na pakikitungo sa mga kapwa niya bida at kontrabida sa pelikula sa Senado.

Maganda ring nakadalo si Inday Miriam sa paglilitis dahil lumabas ang pagiging kab iskawt at istar iskawt ng maraming bida at kontrabida.

Walang binatbat ang mga kab iskawt sa harapan ng mga boy iskawt at gurl iskawt.

oOo

May isang sensitibong usapin dito.

Gusto ng mga taga-usig na sa konting dahilan, dapat nang mapalayas si Mang Atong Corona sa kanyang kaharian.

Itong mga kakosa ni Mang Atong naman ay gustong manaig ang ebidensya sa kasong kriminal para sa kaunting pagdududa, e, libre na sa kaso ang nasasakdal.

Labo-labo na. It’s more fun na!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply