Importansya ng malakas at maaasahang Navy

SA PAGSUSURI ng pangarap ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na maging isang malakas at maaasahang Navy sa taong 2020, napakaimportante para sa ating mga anak ng karagatan ang maunawaan at mapahalagahan ang tunay na kahulugan ng pagiging malakas at maaasahan mula sa mata ng isang mandaragat. Importante ito kasi kung hindi natin ito bibigyang pansin, hindi mabibigyan ng kaukulang suporta at sapat na tulak ang pagpupursige ng Philippine Navy upang matupad ang pangarap niya para sa ating mga kababayan at sa karagatang nagbibigay buhay sa halos lahat ng Pinoy.

Natural lamang na mahalaga ang maging malakas para sa isang hukbong ang layunin ay bigyang proteksyon at seguridad ang teritoryo at interes ng mga mamamayan at bansang pinaglilingkuran nito. Aba, e kung mahina ang mga bantay ng bayan sa karagatan e kung sino-sino na lamang ang manghihimasok at maghahasik ng lagim sa ating mga kapuluan anomang oras nilang naisin.

At para sa isang bansang arkipelago o yung binubuo ng libu-libong mga isla, hindi madali ang magbantay sa ating bansa lalo pa’t iba-iba na ang mga bantang naka-abang dito. Sa lagay na ito, ang Navy ay hindi naman dapat na maging pinakamalakas na Navy sa buong mundo kundi ang magkaroon lamang ng sapat na lakas upang harapin ang mga bantang hinaharap ng bansa.

Samantala, sa larangan ng pagiging maaasahang Navy, sadyang hindi matatawaran ang pagtamo ng Navy ng reputasyong may kakayahan at kapasidad na ipagtanggol ang Pinas at ang kanyang karagatan. Sa lagay na ito, importante ang maaasahang Navy dahil magsisilbi itong hadlang sa mga bantang nagbabalak ng di-kanais-nais sa ating bansa. Ibig sabihin, magdadalawang isip muna ang isang banta bago ito sumalakay.

Bukod pa dito, nagkakaroon ng ampat na paggalang ang ating mga kaalyado at mga kapitbahay na bansa sa rehiyon sa larangan ng ating kakayahan at kapasidad na ipagtanggol ang ating bansa. At siyempre, dagdag din ito sa ating pambansang karangalan o national pride.

Hindi na nalalayo ang taong 2020, at sa tulong ng bawat mamamayang nagmamahal sa ating bansa at karagatang pumapalibot dito, kakayanin ng inyong Philippine Navy ang pagiging malakas at maaasahan.

Kaya natin yan Pinoy!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply