Inilagak na 1.44M itlog ng pagong, nakabasag ng bagong record

INANUNSYO kaninang umaga ng isang non-government organization ang pagkakalagak ng 1.44 milyong itlog ng pagong sa Baguan Island ng Turtle Island noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat ng Conservation International (CI) Philippines, ito na ang pinakamataas na record ng nailagak na mga itlog ng luntiang pagong buhat nang sinimulang itala sila noong 1984.

Batay na rin umano ang bilang na nabanggit sa datos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“The 1.44 million green turtle eggs in one year is an astounding number for a nesting beach that’s only a little over one kilometer in length. This definitely presents great hope for boosting green turtle populations,” sabi ni CI Philippines country executive director Romeo Trono.

“With an average of 90% hatching success and 1% survival rate up to sexual maturity, Baguan in 2011 alone could contribute up to 13,000 to the adult turtle population,” dagdag pa ni Trono.

Nabatid na may kabuuang 14,220 pugad ang naitala sa Baguan noong 2011 na higit pa sa dating pinakamataas na record na 12,311 na naitala noong 1995. Sa nasabing bilang masasabing katumbas ito ng 2,844 nangingitlog na luntiang pagong na nakapagluwal nga ng 1.44 milyong itlog.

Base sa talaan ng DENR, mula noong 1995 na nakapagtala ng 12,311 itlog ng pagong sa Baguan, unti-unti itong bumagsak hanggang sa umabot sa 4,000 pugad na lamang noong 2003.

Isinisi ng CI Philippines ang pagbagsak na ito sa mga dayuhang mangingisda, pagkuha ng itlog ng mga lokal na residente para kainin o ibenta, pagsira at pagbulabog sa tirahan ng mga pagong sa pamamagitan ng iligal na pangingisda at mahinang pagpapatupad ng batas.

Pahayag naman ni Dr. Bryan Wallace, director ng Science for the Marine Flagship Species Program ng CI, patunay lamang ang pagtaas ng bilang ng pugad ng mga pagong na kapag naprotektahan ang kanilang mga tirahan, ang dalampasigan at karagatan ay mabubuhay ang mga ito. Robert C Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply