INC nagsagawa ng taunang outreach program

MAHIGIT sa 2,000 katao ang nabigyan ng libreng serbisyong medikal at dental sa isinasagawang outreach program ng Iglesia Ni Cristo at Felix Y. Manalo Foundation sa isang compound ng mga kababayan nating taga-Mindanao sa Tandang Sora, Quezon City.

Ang ganitong outreach program sa mga kababayang taga-Mindanao ay taunang inilulunsad ng INC bilang paggunita sa kaarawan (Enero 2)ng yumaong Kapatid na Eraño G. Manalo.

Ayon sa Social Services Department ng New Era Hospital, karamihan sa mga nabigyan ng atensyong medikal ay yaong may ubo, sipon, pananakit ng katawan at may hypertension.

Kaalinsabay ng medical at dental services ay namahagi rin ng relief goods sa naturang mga residente sa Brgy. Culiat gaya ng bigas at mga delata.

Nagsimula ang programang ito nang nabubuhay pa ang kapatid na Eraño Manalo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply