Industriya ng bawang pasisiglahin– DA

TINIYAK ngayon ni Agriculture Secretary Proseso Alcala na bubuhayin nito ang industriya ng bawang partikular na sa Ilocos region.

Magugunitang nalulugi ang mga nagtatanim ng bawang dahil sa pagdating ng mga iniismagel na bawang galing sa ibang bansa.

Sinabi kahapon ni Alcala, na may gagawing intervention ang kanyang kagawaran para sa susunod na taon para lamang maibalik ang sigla ng pagbabawang.

Kasabay nito, ipinagmalaki rin ng kalihim ang patuloy na pagganda ng rice production sa bansa at nalalapit na ang tina-target na rice sufficiency sa 2013.

Sinabi ni Alcala, na tinanggihan niya ang panibagong hirit ng mga rice importer dahil sa nakikita niyang magandang ani sa unang quarter ng taon.

Kung pinayagan umano ni Alcala ang hirit ng mga importer, tiyak na malulugi na naman ang mga magsasaka at babagsak na naman ang kanilang kita.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply