Inireklamo ng pangmomolestiya, binatilyo nagbigti

NAUWI sa pagpapakamatay ang ginawang pangmomolestiya ng isang 15-anyos na binatilyo sa isang dalagita na umano’y kanyang pinaghahalikan at nilagyan pa ng kissmark sa bayan ng Minglanilla sa lalawigan ng Cebu.

Batay sa police report, hinihinalang sobrang kahihiyaan ang nagtulak sa binatilyong kinilalang si Clarence Paul Niadas na natagpuang nakabitin sa loob ng kanilang tahanan gamit ang isang nylon cord.

Nabatid na bago naganap ang pagpapatiwakal ay inireklamo umano ang lalaki ng pangmomolestiya ng isang dalagita na itinago sa pangalang Amor ng nasabi ring bayan.

Pinaghahalikan umano ng binatilyo ang dalagita at nilagyan ng kiss mark ang biktima habang hinaplos naman ang mga maseselang bahagi ng katawan.

Dahil dito, nagsumbong sa kaniyang mga magulang ang dalagita kung kaya nagpasya ang mga ito na i-report sa mga pulis ang pangyayari.

Ayon kay PO2 Wendel Aranias, desk officer ng Minglanilla Police Station, kagabi (Enero 20) ay pinuntahan  nila ang pamamahay ng binata upang imbitahan kinabukasan sa kanilang himpilan  kasama ang kaniyang mga magulang.

Subalit mnakalipas ang ilang oras ay nagkagulo na lang sa nasabing lugar at nabatid na nagpakamatay ang binatilyo.

Sa suicide note, pinasalamatan nito ang kaniyang mga magulang at humingi rin ito ng tawad dahil sa gulong-gulo na umano ang kaniyang isipan. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply