Inmates sa Iloilo BJMP nag-riot: 4 sugatan

SUGATAN ang apat na mga bilanggo makaraang magkagulo ang mga inmates sa Iloilo City Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Ungka, Jaro.

Nabatid na nagkaroon ng pagtatalo ang mga bilanggo na nagresulta ng saksakan kaninang umaga, Enero 2.

Nakilala ang mga sugatan na sina Jade Remuyo, 27, na nagtamo ng sugat sa tiyan; Edison S. Pago, may tama sa sa dibdib; Rey Cataluna na nagtamo rin ng sugat sa tiyan at ulo at isa pang nakilalang si Emir Delgado.

Kasalukuyang naka-confine ang mga biktima sa Western Visayas Medical Center habang ang magkapatid na suspek na sina Joel at George Barsibas ay nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Base sa panayam kay PO3 Sherwin Servano sa radyo, imbestigador ng Jaro Police Station, nagtalo ang suspek na si Joel Barsibas at ang inmate na si Delgado hanggang sa magkaroon ng komosyon at masaksak ang mga biktima.

Ang ilan ay sa mga biktima ay nadamay lamang nang pumagitna sa nangyaring gulo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply