Inosente si Gatdula– CIDG chief Pagdilao

MALAKI ang paniniwala ni CIDG chief, Director Samuel Pagdilao na inosente ang nasibak na si dating NBI Director Magtanggol Gatdula kaugnay sa kasong pagdukot at extortion sa isang Japanese national.

Ayon kay Director Pagdilao, hindi mawawala ang kanyang respeto at paghanga kay Gatdula Bilang dating NBI Director.

Batay sa kanyang pagkakilala kay Gatdula, isa itong matuwid at mabuting opisyal.

Iginiit din ni Pagdilao na ang pagsibak kay Gatdula, ay hindi maituturing na guilty ang akusasyon laban sa dito.

Bungsod nito, may pagkakataon pa raw si Gatdula na mailahad ang kanyang panig at malinis ang kanyang pangalan tulad ng ibinigay ng Malakanyang.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply