‘Internet security’ iginiit ni Sen. Angara

NANAWAGAN si Senador Edgardo Angara sa mga kasamahan sa Senado na suportahan ang pagpasa sa dalawang mahalagang hakbang para masiguro ang maigting na pagpapatupad sa internet security para sa mga Filipino kaugnay na rin sa malawakang cyber attacks kabilang ang malware invasion, phising scams at sexual predation.

“We are being overtaken by increasingly digital paradigms in information and communications,” ani Angara. “A large chunk of human activity nowadays is no longer merely physical—it occurs in the Internet.”

Nauna rito, dalawang panukalang batas ang inihain ni Angara — ang Senate Bill No. 2796 o ang Cybercrime Prevention Act at ang Senate Bill No. 2965 o ang  Data Privacy Act.

Layunin ng Cybercrime Prevention Act na itakda kung hanggang saan pinapayagaan ang internet activity at ang pagkonsidera sa criminal act na bahagi ng probisyon ang paglikha ng Cybercrime Investigation and Coordination Center na siyang magpoprotekta sa Filipino Internet users mula sa fraud, theft, child pornography, at iba pang krimen.

Samantalang, ang Data Privacy Act ang magsasagawa ng regulasyon para makuha ang global standards na ibinigay ng  Asia Pacific Economic Cooperation (APEC).

Ayon kay Angara, kailangan ng Filipino companies na makamit ang international security standards upang masiguro na ang information technology-business process outsourcing (IT-BPO) industry ng bansa ay protektado at lalong mahihikayat ang foreign investors.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply