Internet voting sa OFW, ikinasa na

MALAPIT nang maginhawahan ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa pagboto matapos ikasa ng Commission on Elections (Comelec) ang panukalang magkaroon ng internet registration at voting dahil inaasahan ng komisyon na aabot sa isang milyon ang new registrants para sa 2013 elections.

Sa panayam, sinabi ni Comelec Commissioner Rene B. Velasco sa Senate committee on electoral reforms sa pamumuno ni Se. Aqujilino “Koko” Pimentel III, kailangan amyendahan ang ilang umiiral na batas upang tugunan ang pangangailangan sa internet registration and voting.

Kabilang sa pinaamyendahan ng Comelec ang Overseas Absentee Voting Act, ang Automated Election Law at Fair Election Act upang maganap ang internet registration and voting.

“We will study the possibility of amending existing laws in order to accommodate not only internet registration but also internet voting,” ayon kay Velasco.

Ayon kay Velasco, bumababa ang bilang ng OFWs na nakikilahok sa botohan dahil kapos ang embahada at konsulado ng Pilipinas sa ibang bansa na siyang nagpapahirap sa mga Filipino na gamitin ang kanilang karapatan at tungkulin sa ating election law.

“The problem is there are not enough embassies and consular offices to accommodate voting. Because of these (problems) OFWs need to travel to the nearest country or embassy to register, and/or vote,” giit ni Velasco.“So, we are considering internet registration and voting.”

Sinabi naman ni Pimentel na kukonsultahin niya ang kasamahan sa Kongreso hinggil sa posibilidad na amyendahan ang ilang batas sa kahilingan ng Comelec upang mailatag ang legal na basehan para sa internet registration at botohan.

“Kayang-kaya i-implement ang internet voting kasi may software namen. Ang tanong lang eh ‘yung legal basis or legal authority to actually implement internet voting. Ang basa ng Comelec, we need to amend the law. I have to double check that,” giit ni Pimentel.

“If the law needs to be amended then we have to do it but it will depend on the legislative mill, basta sabi ng mga suppliers, just give them sufficient time, kaya naman lahat eh,” paliwanag ng senador.

Idinagdag ng senador na kahit walang tumututol sa panukalang internet registration and voting, naniniwala siyang may kukuwestiyon sa isyu ng integridad at seguridad ng sistema.

“Walang opposition ito. My concern is somebody will raise the issue on its integrity and security and if they (Comelec) adequately answered those concerns, I believe no one will block the measure,” patapos ni Pimentel. Ernie Reyes

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply