Inuman nauwi sa saksakan: 2 patay, 3 sugatan

NASAWI ang dalawa habang tatlo ang sugatan makaraang mauwi sa pagtatalo at pananaksak ang pag-iinuman sa Sitio San Roque, Barangay Bagong Pag-asa, Quezon City.

Nabatid na nasawi sina Teodulfo Glory, may-ari ng bahay kung saan nag-inuman ang mga biktima at Roel Galinero na taga-Baclaran, Parañaque habang isinugod naman sa ospital sina Sergio Dela Rosa, Roberto Garduce at Robert Estorque.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nag-iinuman ang mga biktima na nauwi sa pagtatalo hanggang sa magsaksakan ang mga ito.

Hindi pa batid ang puno’t dulo ng naging pagtatalo ng mga ito.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply