Ipapalit kay Gatdula sa NBI, ‘tough and clean’

BAGAMAT aminado ang Malakanyang na wala pa silang maipapalit kay dating NBI director Magtanggol Gatdula, sinabi naman ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na dapat ay ‘matapang at malinis’ ang susunod na mamuno sa NBI.

Bukod sa nabanggit, dapat din aniyang may malinis na track record sa public service para maayos na pamunuan ang sensitibong ahensya.

Lumulutang ngayon na posibleng pumalit kay Gatdula ay isa kina dating PNP chief Raul Bacalzo, BoC deputy commissioner Danny Lim at CIDG chief Samuel Pagdilao.

Samantala, muli ring nanindigan ang Malakanyang na tama lang ang pagdismis ni Pangulo Benigno Aquino III kay Gatdula dahil nawala na ang “trust and confidence” sa sinibak na NBI head.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply