Iringan sa minorya ng Kamara, patuloy

MULING nagpahiwatig si Albay Rep. Edcel Lagman na hindi ito bibitiw sa kanyang posisyon bilang lider ng  minorya sa Kamara para kay Quezon Rep. Danilo Suarez.

“I want to continue providing the minority in the House of Representatives a competent, credible and conscientious leadership” ani  Lagman sa kanyang  press statement at  iginiit na ito ang  naging  mandato  ng mga  kasamahan nito ng  mga nakakaraming miyembro ng  minorya na  boluntaryong  nag-indoroso ng pananatili nito bilang lider ng minorya.

Ayon kay Lagman, ang nasabing resolusyon ay nilagdaan ng karamihan sa opposition members noong Disyembre 2011.

Pinasaringan ni Lagman  ni  Suarez  at  sinabing  huwag nitong pangunahan ang kanilang mga kasamahan na sumusuporta pa rin sa kanyang liderato .

“Suarez must be using a derelict abacus in counting 19 supporters,” ani Lagman.

Aniya ang  term-sharing na iminungkahi ni  Suarez noong  Hulyo 2010  ay  limitado  lamang  sa  usaping speakership  at hindi ito  sinasang-ayunan ng  maraming miyembro ng minorya.

Dapat  aniyang  tumigil na si Suarez sa  paggamit kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para sa kanyang hangarin at huwag ding gamitin ang  hospital suite nito bilang   kanyang campaign headquarters. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply