Isang biyuda at si Nazareno

SA Biblia, mula sa Luma hanggang Bagong Tipan, ispesyal kay Bathala ang mga balo at   ulila.

Alam ba niyo na hanggang ngayon, nagpapatuloy ang pagbibigay niya ng paglingap sa mga ito? At si Nazareno ang isa sa mga daluyan ng kanyang pagbibigay-lingap sa mga ito.

oOo

Heto ang tunay na kuwento ukol sa kilala at kaibigan nating balo.

Isa siyang akawntant na nagtatrabaho sa gobyerno. Maaga siyang nabalo, Suki, sa kagagawan ng mga kriminal. Naiwan siyang mag-isa na kumakandili sa kanyang maliliit na tatlong anak makaraan ang malungkot na pangyayari.

Habang nagtatagal, humihirap ang kanyang kalagayan dahil nag-aagawan na ang pangangailangan ng kanyang trabaho at ng kanyang mga anak.

Lalo na kung magkasabay ang kanyang pagpasok at pagkakasakit ng isa o dalawa o lahat ng mga bata.

Dahil lubusan na rin siyang ulila, pinaaalagaan niya ang mga anak niya sa kanyang mga biyenan ngunit matatanda na ang mga ito at nalungkot siya sa mga pangyayari.

oOo

Dito na natutong sumandig kay Bathala ang ating kaibigan. At dinala siya sa Poong Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila upang humiling ng tulong.

Makaraan ang siyam na Biyernes na kanyang paglalakad nang paluhod, dumiretso na siya pauwi sa kanilang tahanan sa Tondo, Maynila.

Alam ba ninyo, Suki, ang kanyang nadatnan?

Himbing na himbing sa pagtulog ang kanyang maliit pang bunso sa bisig ng kapatid ng kanyang yumaong asawa.

Ang ngiti ng binata ay nagkaroon ng kakaibang tamis at hindi niya naintindihan ang kakaibang tibok ng kanyang puso sa kanyang nasaksihan.

Ang binata pala ang nagsisilbing ama ng kanyang mga anak sa mga oras na wala siya sa piling ng mga ito. Sa huli, ikinasal sila sa ngalan ng pag-ibig.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply