Isyu ng ill-gotten wealth ni Corona bubuhayin -– Enrile

INIHAYAG ni presiding judge, Sen. Juan Ponce Enrile na puwedeng buhayin ang isyu sa ill-gotten wealth ni Chief Justice Renato Corona na isinampa ng House prosecution panel na pansamantalang isinantabi ng impeachment court kamakailan.

Sa panayam bago magsimula ang paglilitis, sinabi ni Enrile na hindi pa lusot si Corona sa sinasabing  ill-gotten wealth dahil maaari pa itong buhayin habang tumatakbo ang paglilitis ng kanyang kaso sa Senate Impeachment Court.

Nitong Martes (Enero 24), nagdesisyon ang impeachment court na pansamantalang isantabi ang ebidensiya sa illp-gotten wealth, ngunit pumayag ang korte na ilantad ang mga ebidensiya sa ilalim ng Article 2.2 at 2.3 na kumukuwestiyon sa hindi paglalantad ni Corona sa kanyang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) sa publiko.

Ipinaliwanag ni Enrile pagkatapos ng hearing kahapon (Enero 25), na hindi pa patay ang isyu ng ill-gotten wealth ni Corona dahil maaari pa rin itong matalakay kapag nagkaroon ng pagtitimbang hinggil sa naging discrepancy ng kanyang SALN at sa kanyang kinikita sa trabaho.

“Ilagay mo muna ang property na sinasabi na ari-arian ng mahistrado na nakasakdal na hindi kasama sa SALN  kung mayroon iyon at pagkatapos eh titingnan mo yung kanyang kakayahan at kung resources niya at may presumption of ill-gotten eh, hindi na kailangan magprisinta ang prosekusyon ng ebidensiya, ang burden ang proof nasa depensa na patunayan na hindi ill-gotten ang source nun,” paliwanag ni Enrile.

Idinagdag naman ni Senate majority leader Vicente Sotto III na hindi pa lusot si Corona sa ill-gotten wealth dahil bandang huli ay pag-uuspan din ito kapag naikumpara ang mga naiprisintang dokumento sa korte.

“Unless it will be proven later that in the Article 2, mayroong statement of assets, liabilities and net worth na stated pagkatapos mayroong unexplained doon at hindi nagta-tally sa income at sa ITR nila, then may possibility na puwedeng ipasok yung sinasabi nila,” pag-amin ni Sotto.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply