It’s more fun in the Philippines (2)

MAKARAANG subuan ng taga-Turismo si PNoy ng islogang “ol awt jastis”, heto’t nangodigo naman ng islogan ng Switzerland para sa turismo sa repablik ni Juan.

Pero hindi na natin pakikialaman ang pangongodigo ng mga taga-Turismo kundi tulungan sila kung saan talaga matatagpuan ang mga nagdudulot ng “fun” o saya hindi lang sa mga dayuhan kundi kay Juan bilang mga turista.

oOo

Napakasaya kung araw ng halalan.

Unang nasasaksihan ang dami ng mga balimbing na pulitiko.

Pero higit na masayang panoorin ang mga dagdag-bawas na ikinaiiyak ng mga talunan.

Maliban sa kaso nina Migz Zubiri at Koko Pimentel, inaabot ng susunod na halalan ang pagbaba ng desisyon dito ng Comelec.

Isa pa, saan ka makakakita ng istayl na lahat ng mga botante ay ginagawang watcher ng mga mayayamang kandidato para matiyak ang kanilang panalo?

Kaya lang kada ikatlong taon lang ito, eh, ang hinahanap natin ng turismo ay walang panahon.

oOo

Ah, balik tayo sa impitsmen ni CJ Corona.

Magandang subaybayan ito ng mga turista hindi dahil sa sayang dulot ng duelo ng mga nag-aaway na mga pulitiko para sa halalang 2013 at 2016.

Sa dulo nito ay ang susunod na pang-iimpits din sa mga kakosa umano ni Corona sa Korte Suprema.

Lalo na ang mga kasama niyang bumuwag sa Hacienda Luisita.

Napakarami riyan sa Kamara ang mga panginoong maylupa na nayanig sa desisyon at yang pag-impits sa mga mahistrado ang magtitiyak na hindi na masundan pa ang pagkabuwag ng kanilang mga lupain.

At bawat may impitsmen, may pork barel na agua de pataranta.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply