It’s more funny sa Pinas

ANG sabi ng napakamahal na slogan ng isang taong ang pangalan ay Mon Jimenez, secretary of tourism, “It’s more fun in the Philippines.”

Alam ba ninyo kung magkano ang nagastos ng mga taxpayer sa slogan na ito?

Ako, hindi ko alam at malamang na hindi rin ninyo alam.

Sa aking tantiya naman ay hindi ito bababa ng P1 million.

Opo, para lamang sa isang slogan na binabatikos ngayon ng marami.

Sana lang, maging honest si Jimenez o mas transparent para malaman natin kung magkanong pera ang involved sa slogan na ito, at sino ang mga nakinabang sa slogan na ito.

Sino ang advertising agency na nakakuha ng slogan na ito?

Kay Jimenez po ba itong agency na ito o sa kanyang mga kaibigan o kasosyo?

Kasi po, kinopya lamang daw ang slogan sa Poland at Switzerland na nagsasabing more fun daw sa kanilang bansa.

Si Jimenez naman siguro ay hindi talagang mangongopya. Hindi naman siya plagiariest.

Mautak lang.

Si Jimenez ay malamang  na naniniwala na ang slogan ay effective para sa mga commercial, kaya’t kay rami nating slogan na galing sa mga kantang nilikha ng iba.

Walang originality ang mga nanggagayang ito, at kasama na siguro riyan si Jimenez. Ang sabi raw ni Jimenez, para lang daw Jolibee chicken joy ang pagbebenta ng turismo sa mga foreigner.

Kliyente ba ni Jimenez ang Jolibee? Aba, parang graft and corruption na ito dahil ang makikinabang ay Jolibee at si Jimenez lamang.

At mayroon ding sinasabi na sa kanya galing ang famous copied quotation ni President Noy na ang kanyang love life ay parang Coke Zero.  Kliyente rin ito ni Jimenez?

Oh no, what happened to the truth in advertising? Kasali ba riyan si Jimenez?

At nagyabang pa raw na siya ang gumawa ng slogan ni PNoy na “all-out justice” at hindi “all-out war” ang policy ng pamahalaan laban sa mga terorista.

Samakatuwid, si PNoy pala ay walang sariling pag-iisip pagdating sa slogan. Puro galing pala ito kay Jimenez.

Noong araw, may isang bank commercial na ang slogan ay “never on a Sunday.”

Kasi noong araw, sarado lahat ng mga bangko tuwing Linggo. Ano ang nangyari sa bangkong ito? Never na itong nagbukas uli.

Si Jimenez din ba ang gumawa nito? Sana ay hindi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply