Itim na Nazareno nakapasok na sa Quiapo Church matapos ang 22 oras

MATAPOS ang 22 oras, nakapasok na rin sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo ang karosa ng Itim na Nazareno.

Saktong 6;11 ng umaga ng makapasok ang karosa ng Itim na Nazareno sa loob ng simbahan na sinabayan ng hiyawan ng milyon-milyong deboto sa loob at labas ng simbahan.

Batay sa kasaysayan ng pista ng paglilipat ng Poon, ito na ang pinakamatagal at pinakamalaking prusisyon na naitala.

Nagpahayag na ng pasasalamat ang mga organizer ng prusisyon sa milyon-milyong deboto na nagtiyaga at nagsakripisyo para sa selebrasyon.

Nagpasalamat din sila sa pamahalaan at kay Pangulong Noynoy Aquino III sa suportang ibinigay ng mga ito at sa matiyagang pagbabantay sa harap ng banta ng terorismo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply