ITRs ni CJ Corona nasa Senado na

PORMAL nang isinumite ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Kim Jacinto-Henares sa Impeachment Court ang kopya ng mga tax documents partikular ang income tax returns at iba pang tax payment certificates ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon kay Henares, nagkaroon ng partial markings sa isinumite niitong dokumernto alinsundo sa ipiinalabas na subpoena na nag-atas sa hepe ng BIR na ibigay sa Impeachment Court ang original o certified true copy ng ITR at iba pang tax certificates ng punong mahistrado.

“We have made partial markings on the documents,” ayon kay Henares.

Ayaw naman ilantad ni Henares kung anong uri ng tax documents ang kanyang isinumite sa Impeachment Court, bagkus inihayag nitong sa pagliiltis niya idedetalye ang nilalaman ng mga dalang dokumento.

“Let’s just wait for my testimony,” aniya.

Noong nakaraang Enero 17, 2012, inaprubahan ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagpapalabas ng subpoena duces tecum at subpoena duces testificandum laban kay Henares na inaatasan ang komisyunado ng BIR na isumite sa Senado ang ITR at iba pang tax payment certificates ni Corona kabilang ang kanyang kabiyak na si Cristina at mga anak  nito at manugang.

Inatasan din ng Impeachment Court si Henares na patunayan sa paglilitis ang nilalaman ng mga dokumentong may kaugnayan sa pagbabayad ng buwis ni Corona at kaanak nito sa pagpapatuloy ng paglilitis.

Nauna nang hiniling ng defense team sa pangunguna ni dating justice secretary Serafin Cuevas na ibasura ang subpoena na ipinadala kay Henares dahil walang kinalaman at hindi angkop ang hinihinging dokumento bilang ebidensiya sa Article II ng Verified Complaint.

Sa 12-pahinang mosyon na isinumite ng depensa kahapon (Enero 24) sa Impeachment Court, sinabi na: “Chief Justice Renato Corona respectfully prays that this Honorable Impeachment Court quash the Subpoena Duces Tecum Ad Testificandum addressed to BIR Commissioner Kim Jacinto-Henares, for being without basis, irrelevant and immaterial to Article II of the Impeachment Complaint.”

Dagdag pa ng defense panel na: “Rule 128, Section 3 of the Rules of Court states that “(e)vidence is admissible when it is relevant to the issue and is not excluded by the law or these rules.”

Ngunit, naghain naman ng kontra-mosyon ang House prosecution panel sa Senado upang balewalain ng Impeachment Court ang hiwalay na mosyon ni Corona at hayaan na mag-testify si Henares at iprisenta ang mga ebidensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply