It’s final, Pacman ayaw na kay Mayweather

NAKAPILI na si Manny Pacquiao ng susunod niyang makakalaban at hindi si Floyd Mayweather.

Ayon kay Top Rank promoter Bob Arum, hindi si Mayweather ang makakasagupa ni Pacquiao kundi ang mga dati nang kandidato na sina Juan Manuel Marquez, Timothy Bradley, Miguel Cotto o Lamont Peterson sa June 9.

Sinabi ni Arum na ang petsa na gusto ni Mayweather ay hindi maaari dahil gahol na sila sa oras.

Nais kasi ni Mayweather na matuloy ito sa Mayo 5 at hindi na maaaring makansela.

Iginiit ni Arum na ang pagpapagawa ng 38,000-seat temporary facility ay hindi makukumpleto hanggang sa petsa na gusto ni Mayweather.

Idinagdag pa ni Arum na maaaring nagsinungaling si Mayweather sa hukom at sinabing handa nang lumaban dito si Pacquiao kaya pinagbigyan ang gusto nitong petsa.

Samantala, nagpahayag din ng pagkadismaya ang advisor ni Mayweather na si Leonard Ellerbe.

Ang gusto kasi ni Mayweather ay sa MGM Grand Garden Arena ganapin ang laban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply