It’s more fun in the Philippines

MAGANDA na ring may islogan ang Department of Tourism.

Eh ano kung kinopya natin ang islogan na ginamit ng Switzerland noong 1951!

Ang mahalaga, tugma ang “It’s more fun in the Philippines” sa pagiging masayahin ni Juan.

Pero may napansin lang tayo.

‘Yung nakikita nating background ng islogan, eh, yung Banaue Rice Terraces, Underground River sa Palawan, atbp.

Pakiramdam natin, malalamig sa  mata ang mga ito at walang fun.

Yang “more fun” sa tingin natin ay higit na nakatuon kay Juan kaysa sa kanyang kapaligiran.

Derpor yung mga ginagawa ni Juan sana ang higit na bigyan ng konsentrasyon para maging masaya ang mga turistang dayuhan.

oOo

Ano-ano ba ang mga aktibidad ni Juan na nakapagpapasaya sa kahit sino?

Aba marami.

Nandiyan ang mga nagsasayaw na preso at traffic aide.

Nandiyan ang prusisyon ni Itim na Nazareno na maituturing na onli in da Pilipins.

Ah itong nalalapit na kasong impitsmen, it’s more fun din. Akalain mong ipinagbabawal na ng impitsmen kort ang trial by publicity ng mga piskal na kongresman, tuloy pa rin ang mga ito sa kadadaldal.

Ngayon ay may nagpaplano nang iimpits din ang mga piskal na ito.

Itong paggamit ng motorsiklo, Suki, ay “more fun” din.

Tingnan ninyo, kahit may batas sa paggamit ng helmet, marami ang hindi gumagamit
nito.

Kung may helmet naman, ipinapatong lang ng konte sa ulo o inilalagay sa siko at yung iba, pangkonstraksyon at pambisikleta lang.

At yung mga nanghuhuli sa mga ito na pulis at trapik enporser? ‘Ala ring helmet.

At, ah, sa Visayas at Mindanao, yang habal-habal o singgel na motorsiklo, 8-10 ang pasahero pero bibihira ang nadidisgrasya.

Kita niyo, Suki?

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply