Iwa Moto dahilan ng tuluyang pagkatigbak ng ‘Wiltime Bigtime’ ni Willie sa TV5?

NAKU my BFFT Pete A., ngayong namamahinga muna si Konsehala Shalani Soledad bilang sikat na co-host ni Kuyang Willie Revillame sa “Wiltime Bigtime” sa TV5 upang pag-ukulan ng panahon ang nalalapit na kasal nila ni Pasig Cong. Roman Romulo sa darating na January 22, tiyak na mas lalo pang mababawasan ang viewership ng show na tatatlo na lang ang commercials.

Alalahanin ng nasabing TV host (Willie) na malaking factor si Shalani sa show. Na kaya sila pinanonood ay dahil sa presence ng nabanggit na politician/TV host.

Da height na ang ipinalit dito ay ang starlet na si Iwa Moto na walang ginawa sa buong programa kundi ang bumati nang bumati. Napakababaw ring mag-host ng dating Kapuso starlelet dahil walang kalaman-laman ang dyotaks (utak) nito.

Hindi kaya dahil sa kanya ay tuluyan nang matigbak sa ere ang Wiltime Bigtime na in fairness ay maraming kababayan natin ang natutulungan ng frienship ni Bubog na si Willie R. Dapat after ng kanilang honeymoon ni Cong. Roman sa Amanpulo Resort sa Palawan ay bumalik na kaagad si Shalani para maisalba niya ang naturang show.

Go, go, go gyud Shalani!

***

No. 1 sexiest woman ng FHM na si Sam Pinto lost daw sa retokadang si Ellen Adarna (charing!)

LOST na raw ni Ellen Adarna ang kasamahan sa “Bubble Gang” na si Sam Pinto.

Kasi, since na-cover raw ang beauty nito sa FHM ay nagkaroon daw ng maraming following na guys at mas gusto ng mga barakong magpa-autograph sa kanya compared kay Sam.

Owss? Malaking ka-charingan naman ang press release na ‘yan. Bakit mas gugustuhin ng male fans ang Ellen na ito compared kay Sam eh retoke Queen siya samantalang ang alagang actress ni Ms. Claire dela Fuente ay original at natural ang beauty at kaseksihan.

Pagdating din sa katalinuhan, oo nga’t englisera rin ang hitad (Ellen) na ito pero di hamak na mas may lalim at talino naman sa kanya itong si Sam.

Saka anong sinabi niya kay Sam eh ito ang kinoronahan last year ng FHM bilang sexiest woman kung saan tinalo nito sina Marian Rivera at Angel Locsin.

What about you Ibong Adarna? Este, Ellen, ano ang maipagmamalaki mong achievement dito sa showbiz? Just asking!

By the way, maraming fans ni Sam ang nagrereklamo na inapi-api ng buong producion ng Legacy ang kanilang idolong sexy actress. Hindi raw isinasama si Sam sa mga publicity ng nasabing teleserye. Well, bad karma ang naghihintay sa kanila at malamang mangulelat sila sa ratings! Period walang comma (peram my BFFT Pete A) gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply