Iwas-pusoy sa impaktang si Marianita kaya ayaw makapareha si Dingdong

PUWEDE rin namang sabihing makulay na personalidad itong si Heart Evangelista dahil sa mga makukulay na pangyayari sa kanyang buhay.

Yes, si Heart ay di pa naman kalakihang artista pero puwede namang sabihing versatile na at durable at this point.

Pero pinaka na yata yung relasyon nila ni Jericho. Di naman lingid yung pati pamilya niya ay kanyang sinuway upang sundin ang tibok ng puso niya. Only to find out in the end na masyado pala siyang naging idealistic kasi nga, nagwakas din naman yung ipinaglaban niya.

May bagong love na si Heart and if fate doesn’t intervene, baka ito na ang lalaking maghaharap sa kanya sa altar. Ibayong kulay nga kasi ang dulot ni Daniel Matsunaga sa kanya.

At dahil in love, kailangang burahin ang nakaraan. Meaning, no Jericho Rosales what -soever.

Isa nga sa issues noon kay Heart ay ang hindi niya pagtanggap na makaparehang muli ang ex-boyfriend na si Jericho Rosales sa pelikulang Yesterday, Today and Tomorrow.

“Ah, pangit namang sabihing tinanggihan. But I don’t think I’m ready to work with him yet. Hmmm. Not because I hate him, huh? Too much has happened kasi. Sobrang napaka-grand. Ang grand kasi ng nangyari sa buhay ko, so, parang hindi ko alam kung paano ko haharapin,” paliwanag ng aktres.

Eh, si Dingdong Dantes, makapapareha pa kaya niya?

“Hindi na siguro! Huwag na lang! Hahaha!” tugon ni Heart na nasa cast ngayong ng GMA-7 drama na Legacy.

O di ba?

Heto na ngayon, Heart is back in the limelight kahit na natengga nang may katagalan.

Aminado si Heart Evangelista na naging magulo ang 2011 niya.

Tinatanggap na lang niya ang dahilang nasa showbiz siya kaya masaya na rin ang tingin niya sa mga pangyayari.

Pero kahit natengga siya ng six months na walang project, never na nakaramdam ng insecurity ang aktres.

“Wala naman kasing… kasi I’ve gone through worst. I’ve gone through tengga ng three years, ’di ba?

“So, parang it’s part of it. So, ang ginawa ko, instead na ma-depress ako… I’m going back to school.

“I’m to take short courses, maybe in UP. I’m doing stuff that’s not part of showbiz. Stuff like helping people.

“I wanna be involved more on that like helping people. So, parang marami pa akong ginawa,” katwiran ni Heart.

Kaya nga back to her elements ang syota ni Daniel Matsunaga. She is eager to act again in Legacy.

“Six months din akong nabakante after ‘Dwarfina’ so nasabik talaga akong umarte,” sabi niya na hindi maitago ang excitement.

Heto pa, dapat sana, siya yung nasa Beloved, pero kay Marian din ito napunta.

Ayaw nang maulit ni Heart ang mga kontrobersya sa kanila ni Marian kaya sa isyung ito, gusto na niyang itikom ang kanyang bibig.

Ano ang reaction niya ngayong sina Marian at Dingdong na nga ang magkatambal sa Beloved?

“Nothing. It’s really meant for them. And ako naman, I’m meant to be reunited with Geoff Eigenmann in ‘Legacy.’ That’s the way things work in showbiz. I guess I’m not really destined to get to work with Dingdong.”

Is she ready to reconcile with Marian? “Oo naman. I’m basically a happy person. Ayokong may kaaway. Nagkita na kami in one event and I smiled but I guess she’s not yet ready and I respect that. I still believe na one day, maaayos din ang lahat, when God’s right time comes along.”

Do we hear wedding bells for her and beau Daniel Matsunaga now that she has visited his folks in Brazil?

“No. We’re okay. This is the most mature relationship I’ve ever had as he’s not just my boyfriend but also my best friend. But we’re both not ready to start our own family. Everyone knows that in showbiz, pag nag-asawa ka, lagot nang career mo, so we don’t plan to get married soon. We’re both more focused on working and earning more. Aside from ‘Legacy,’ I’m also doing a movie for Viva, ‘Pagpag,’ a horror-thriller.”

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply