Jalosjos, mga bagong pulitiko nagpaparamdam na

HINDI na maitago ng ilang mga taga-Zamboanga del Sur ang pananabik sa papalapit na 2013 elections dahil sa pagpasok ng mga bagong mukha at personalidad sa pulitika.

Ilang buwan bago pa magtapos ang 2011, naging usap-usapan na ang pagpaparamdam ng prominenteng pamilya ng mga Jalosjos at ilan pang mga baguhan sa pulitika na handa na umanong pasukin ang balwarte ng pamilyang Cerilles.

Ilang beses na ring nakatanggap ng mga impormasyon na may umaaligid nang mga tauhan ang mga Jalosjos sa iba’t ibang barangay ng siyudad ng Pagadian at ilang bayan sa Zamboanga del Sur upang mapaghandaan ang nalalapit na halalan.

Sinasabing magiging maganda ang laban sa nalalapit na halalan dahil tapatan na di umano ito ng pera at kapangyarihan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply