Janelle Manahan isinailalim na sa WPP

PASOK na sa Witness Protection Program ng Department of Justice si Janelle Manahan ang kasintahan ng pinaslang na si Ramgen Revilla.

Si Manahan ay una nang inilagay sa provisional coverage ng WPP noong Disyembre ng nakaraang taon  dahil sa hindi pa nakukumpleto ang lahat ng mga dokumento para mailagay sa full coverage ng WPP.

Ayon sa abogado na si Atty. Argee Guevara, lumagda na ang kanyang kliyente sa memorandum of agreement upang makuha ang lahat ng benepisyo at proteksyon ng programa.

Personal na nagtungo sa DoJ si Manahan para kausapin si Justice Secretary Leila de Lima ngunit wala ang huli sa kanyang tanggapan.

Matatandaan na hiniling ni Manahan na mailagay ito sa WPP  dahil na rin sa sinasabing banta sa kanyang buhay bilang pangunahing testigo sa pagkamatay ng aktor na nobyo.

Tiniyak naman ni Manahan na tuloy ang kanyang laban para mabigyan ng hustisya ang napaslang na kasintahan.

Nakiusap naman ito sa publiko na huwag nang ishare ang sex video na sa pagkakaalam nya ay hindi bababa sa 10 videos bilang respeto na rin sa kanya at sa namapayapang kasintahan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply