Janelle kinasuhan ang pamilya ni Ramgen

NAGSAMPA na ng kasong paglabag sa “Anti-Voyeurism Act” si Janelle Manahan laban sa ina at mga kapatid ng kanyang kasintahang si Ramgen Revilla dahil sa pag-upload ng kanilang sex video.

Malaki ang paniniwala ang kampo ni Manahan na ang ina ni Ramgen na si Genelyn Magsaysay at ang mga anak na sina Gail Bautista at Ramona Bautista at dalawa pang menor-de-edad na anak ang nagpakalat ng video dahil sila ang may access sa laptop ng napatay na kasintahan.

Iginiit din ng abugado ni Manahan na si Atty. Argee Guevarra na gagawin nila ang lahat para mapapanagot ang mga sangkot sa pagpapakalat sa internet ng sex video.

Itinuro ni Atty. Argee Guevarra na si Ramona “Mara” Bautista na nasa Turkey ang siyang posibleng nagpakalat umano ng sex video ng kanyang namayapang kapatid sa internet.

Sinabi ni Guevarra na base sa isinagawa nilang imbestigasyon, tinukoy nila kung sino ang unang nag-upload ng sex video sa “YouTube” at ang IP addresses na lumalabas ay nagbuhat sa Europa.

Alam umano ng lahat kung sino sa pamilya Bautista ang nasa Europa ngayon.  Ito umano ay si Ramona na nagtungo sa Turkey noong Nobyembre 4 upang takasan ang kontrobersya ng pagkamatay ng kanyang kapatid.

Unang itinanggi ng ina nina Ramgen at Ramona na sa kanila nanggaling ang sex video dahil sa nasa pulisya ang lahat ng gamit ng nasawi niyang anak ngunit kinalaunan ay inamin na nasa kanilang posesyon pa ang laptop computer ng biktima ngunit hindi nila mabuksan dahil sa hindi nila alam ang password. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply