Janelle pinayuhan na magdasal, maging matatag

PINAYUHAN ng isang arsobispo ng Simbahang Katolika ang aktres na si Janelle Manahan na lakasan ang loob at maging mas madasalin matapos ang pagkalat sa internet ng kontrobersiyal na sex video niya at ng kasintahang pinaslang na si Ramgen Revilla, anak ni dating senador at aktor na si Ramon Revilla, Sr.

Kasabay nito, nagpahayag ng paniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, ang dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na may masamang hangarin laban kay Janelle ang kung sinumang nag-upload ng naturang sex video at ito aniya ang dapat alamin ng mga awtoridad.

Ayon kay Cruz, posibleng layunin nang naglabas ng naturang sex video na sirain ang kredibilidad at loob ni Janelle upang hindi na ito tumestigo pa a krimen.

Iginiit pa ng arsobispo na malaking kamalian ang pag-upload ng video para siraan ang isang tao at wala na ito sa normal na pag-iisip.

Pinayuhan pa nito si Janelle na lakasan ang loob, damihan ang dasal upang lumitaw ang katotohanan sa likod nang pagpaslang sa kaniyang nobyo.

Dagdag pa ng arsobispo, na mas mahalaga sa kasalukuyan ay mahanap ang katarungan hinggil sa pagpatay sa batang aktor.

Umaasa naman ang arsobispo na matutukoy ng mga awtoridad ang kung sino mang mag-upload ng video upang maparusahan ito.

“Mayroon daw technique ang PNP upang malaman ang origin ng nag download (upload) so tingnan natin, I hope they  can do it  for the sake of truth and justice,” dagdag pa ng arsobispo.

Matatandaang si Janelle ay muntik na ring namatay matapos na barilin ng suspek, ng tangkaing paslangin ang nobyong si Ramgen sa loob ng tahanan nito sa Parañaque City noong Oktubre, 2011.

Kamakailan naman ay pinagpiyestahan ang sex video nina Ramgen at Janelle matapos na ipaskil sa website na YouTube.

Naniniwala ang kampo ni Janelle na inilabas ang video upang siraan siya ng loob at kredibilidad ngunit iginiit naman ng mga abogado ng dalaga na wala itong magiging epekto sa gagawin niyang pagtestigo sa krimen.

Mismong ang mga kapatid ni Ramgen ang itinuturong suspek sa krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply