Japanese nat’l nabulunan sa tinapay, patay

PATAY ang isang Japanese national matapos mabulunan sa kinakaing tinapay habang naghahapunan kasama ang kanyang live-in partner sa Sto. Thomas Village, Brgy. Tuburansur, Danao, Cebu.

Ayon sa PNP spokesman, hindi na naisalba ng mga manggagamot si Hiro Taka Kato, 69.

Ayon kay PO1 Faron Avila, desk officer ng Danao Police Station, dumulog sa kanilang tanggapan ang live-in partner ng Japanese na si Revelyn Rica, 27, upang i-report ang pangyayari.

Sinasabing bandang 6:30 ng habpon habang kumakain ng tinapay si Kato nang bigla na lang nabulunan na agad namang pinainom ng tubig ni Rica.

Pero nawalan ng malay ang dayuhan matapos hindi pa rin gumaan ang pakiramdam nito.

Bagama’t sinubukan pang dalhin sa pagamutan ang biktima ay idineklara na itong dead on arrival ng doktor.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para malaman kung may foul play sa pagkamatay ni Kato.

Inaalam din ng pulisya kung may karamdaman ang Japanese national bago namatay nang mabulunan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply