Jaro Cathedral idedeklarang national shrine

PORMAL nang idedeklara bilang isang Marian shrine ang Jaro Metropolitan Cathedral sa Iloilo sa Pebrero 2.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), ang cathedral ay kikilalanin bilang National Shrine of Our Lady of Candles, dahil ang Pebrero 2 ay kapistahan ng Our Lady of Candles o Nuestra Señora de la Candelaria.

Nabatid na bilang paghahanda sa naturang okasyon, simula sa Enero 24 hanggang Pebrero 1 ay araw-araw na magdaraos ng Novena Masses sa Cathedral .

“Novena Masses will be celebrated daily in the Cathedral from January 24 to February 1 for the feast day of Our Lady,” anang CBCP.

Ang deklarasyon ay kasunod ng pag-apruba ng CBCP sa pag-aangat sa cathedral bilang isang national shrine noong Hulyo 16, 2011.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 12 national shrine sa Maynila, isa sa Visayas at wala pa sa Mindanao, at ang National Shrine of Our Lady of Candles ang magiging ikalawang national shrine sa Visayas.

Alinsunod sa Canon Law, ang shrine ay isang simbahan o banal na lugar na dinarayo ng mga mananampalataya bilang mga pilgrim.

Ang simbahan ay matatawag lamang na shrine kung bibigyan ng opisyal na pagkilala ng obispo ng naturang lugar at tatawagin naman itong national shrine kung bibigyan ito ng pakilala ng CBCP. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply