Jason Ivler hiniling isailalim pa sa operasyon

HINILING kanina ng government doctor sa Quezon City Regional Trial Court na payagan ang road rage suspect na si Jason Ivler na sumailalim sa isa pang operasyon.

Si Dr. Jaime Claveria Jr., attending physician ni Ivler sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nagsabi sa QCRTC Branch 84 Judge Luisito Cortez na ang 28-anyos na si Ivler ay nangangailangang sumailalim sa colonoscopy at blood tests.

Matapos ang operasyon nito sa Quirino Memorial Medical Center nitong nakalipas na December, si Ivler ay dumadanas umano ngayon ng pagdurogo ayon sa ulat.

Si Ivler ay muling ibinalik sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City tatlong linggo matapos ang kanyang operasyon.

Ayon sa korte, si Cortez ay kasalukuyan nang inaayos ang draft ng kautusan subalit hindi pa nalalagdaan ang naturang order.

Nauna rito, magugunitang kinasuhan ng murder si Ivler dahil sa pamamaril at pagpatay kay Renato Victor Ebarle sa isang iringan sa trapiko noong Nobyembre 2009.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply