Jason Ivler hiniling nang ibalik sa kulungan

MARIING hiniling ng panig ng prosekusyon sa Quezon City court na ipalabas ang update ng medical condition ni road rage suspect Jason Ivler matapos sumailalim sa abdominal surgery noong Disyembre 19, 2011 sa Quirino Memorial Medical Center.

Sa kanilang omnibus motion na isinampa sa sala ni presiding QC RTC Judge A Judge Luisito Cortez Branch 84, sinabi ni Senior Deputy State prosecutor Richard Anthony Padullon na nais nilang malaman ang update sa kondisyon ni Ivler matapos makapagpaopera dahil may tatlong linggo na ito sa naturang pagamutan.

Nais malaman ng prosekusyon kung kailangan nang maibalik sa kulungan sa Camp Bagong Diwa Taguig si Ivler kung magaling na ito.

Batay sa court testimony ni Dr.Romeo Abary, doctor ni Ivler, aabutin ng halos isang buwan ang pagpapagaling ni Ivler matapos ang operasyon upang matiyak na walang kumplikasyon

Anang prosekusyon, matapos maoperahan si Ivler, wala na silang nalalamang progress report sa kondisyon nito.

Si Ivler ay nahaharap sa kasong pagpatay kay Renato Victor Ebarle dahil sa away sa trapiko.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply