Jeepney driver tinadtad ng bala sa Navotas

TIGBAK ang isang jeepney driver habang sakay ng motorsiklo matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin na sakay rin ng motorsiklo kaninang madaling-araw sa L. Santos st., Brgy. Tangos, Navotas City.

Dead on spot sanhi ng maraming tama ng bala ng ‘di pa batid na kalibre ng baril ang biktimang si Mark Patriarca, 36.

Mabilis namang tumakas ang isang hindi pa nakikilalang salarin sakay ng getaway na motorsiklong kulay itim na hindi na plakahan.

Sa imbestigasyon ni P01 Allan Bangayan ng Station Investigation Division ng Navotas police, dakong alas-2:00 ng madaling-araw ng tambangan ang biktikma sa nasabing lugar.

Sa pahayag ng saksing sina Niel Cruz, 21, at Alfredo Bautista, 60,  si Mark ay sakay ng kanyang Skydrive Suzuki motorcycle na may plakang 4312  ng biglang harangin at paputukan ito ng suspek  na sakay rin ng motor.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing krimen habang isang manhunt operation naman ang inilatag ng pulisya laban sa salarin. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply