Job creation dapat pagtuunan ng pansin ni PNoy ngayong 2012

HINIMOK ni Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso si Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na pagtuunan ng malaking pansin ang job creation para sa milyung-milyong Filipino ngayong taong 2012.

Ayon kay Bishop Medroso, bagama’t maganda ang layunin ng Pangulo na sawatahin ang korapsyon sa bansa, hindi dapat nito mapabayaan ang mga programa na makatutulong sa mga mahihirap at walang trabaho.

Sinabi rin ni Medroso na mas binibigyan ng malaking pansin ng pamahalaan ang mga isyung pulitika tulad nang pagdidiin kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

“Sana this year, he (Pangulong Aquino) should focus more on job creation at paggawa ng mga programa na makatutulong sa mga mahihirap. Naka-focus kasi siya masyado sa graft and corruption! Ok naman yun pero sana hindi dapat mapabayaan ang iba pang mahahalagang usapin.” bahagi nang pahayag ni Medroso sa panayam ng Radyo Veritas!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply