Joross Gamboa nagpakita ng notes sa beach

ITO ang isang kwento, si Joross daw ay nagpakita ng kanyang ‘kahabaan’ sa isang beach resort.

Sabi ng beteranang aktres, ginawa raw iyon ng aktor para tigilan na siya ng mga tsismosa at para supalpalin ang mga itetch na wala nang ginawa kundi magbulungan sa harapan niya.

Kaya ang siste raw, habang naliligo ang gwaping na aktor, may ginalaw-galaw yata siya sa ilalim at nang umahon sa tubig, hayan at galit na galit ‘yun’ at buong ningning na ibinandera sa lahat.

Nagkagulo nga raw sa baybayin na animo’y may tsunaming darating, eh, iyon pala, nagwawala si pututoy. Hehehe!

Para sa mas kumpletong detalye, hanapin nyo ang sinasabi naming veteran actress. Ang problema, gets nyo ba kung sino sya? Hahaha!

***

Wala raw relasyon: JM dinadalaw ni Jessy sa condo ng palihim?

MAY isang source kaming nakausap. Si Jessy Mendiola raw ay dalawang beses niyang nakitang dumalaw kay JM de Guzman sa condo unit nito. May kasamang bading umano ang dalaga nang dalawin ang simpatikong aktor. Wala naman daw masama sa ginawa ng magandang dilag. Ang kakaiba lang, medyo magtatakipsilim nang pumunta ito at ingat na ingat sa kanyang mga galaw. True or false?
Hehehe!

Actually, blind item namin ito dati. Ngayon ay kumalat na sa ibang babasahin at may namesung na ng dalawa. Muli lang napukaw ang atensyon namin dahil sa mga pahayag ni JM na lumalabas na raw sila ni Jessy at nagkakasama sa mga lakaran pero wala silang relasyon. Hhmmmm…’yun na!

***

ANC ilulunsad ang impeachment coverage na “Chief Justice on Trial”

NOONG taong 2000, nanguna ang ANC sa paghahatid ng walang humpay na coverage ng impeachment trial ng dating Pangulong Joseph Ejercito Estrada at nakilala bilang natatanging news channel na nag-ulat ng paglilitis mula simula hanggang sa pagtatapos nito.

Sa impeachment trial naman ni Chief Justice Renato Corona ngayong taon, muli na namang maglulunsad ang ANC ng live at walang tigil na pag-uulat ukol sa mahahalagang pangyayari sa paglilitis sa “Chief Justice on Trial, the ANC Coverage,” na magsisimula sa Lunes (Enero 16), 1 p.m.

Maghahatid ng maiinit na ulat mula mismo sa Senado ang beteranong political reporter at news anchor na si Lynda Jumilla at ang impeachment expert at Harvard alumnus na si Atty. Adel Tamano.
Magbibigay naman ng mahahalagang balita mula sa ANC studio ang mga mamamahayag na sina Karen Davila at Tony Velasquez kasama ang isang grupo ng mga legal expert.

Bago magsimula ang live na coverage ng paglilitis, mapapanood muna sa ganap na 1 p.m. ang ilang primer. Kabilang dito ang pagpapaliwanag ng proseso ng impeachment at pagsisiyasat sa mahahalagang personalidad kabilang na ang Punong Mahistrado, mga abogado nito, mga taga-usig at ang Korte Suprema.

Itatampok din ang iba pang elemento sa kaso katulad ng posibleng hatol ng mga senator-judge at ang bangayan nina Corona at ng Pangulong Noynoy Aquino III.

Bukod sa live na pagpapalabas ng paglilitis sa Studio 23 at live streaming sa abs-cbnNEWS.com, palalawigin ng ANC ang coverage nito sa pamamagitan ng social media. Ihahatid nito ang mga pinakasariwang update sa Twitter account na @ANCALERTS (#CJonTrial) at ANC 24/7 sa Facebook.

Maghahain din ng malalimang pagsusuri sa kaso ang ilang programa ng ANC. Hihimayin ni Adel sa “Tamano Perspective” ang mga highlight ng kaso tuwing Huwebes, 7 p.m, samantalang idodokumento naman ni Lynda ang pag-usad ng kaso sa “ANC Presents: Chief Justice on Trial” sa Martes, 7 p.m.

Samantala, mapapanood na ang award-winning na mamamahayag na si Bernadette Sembrano sa “Top Story.” Sasamahan nito ang beteranong anchor na si Tony Velasquez sa pagbibigay ng pinakamalalaki at pinakamahahalagang balita sa bansa, ito’y mapapanood Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m.

Tutukan ang “Chief Justice on Trial, the ANC Coverage” simula Lunes (Jan 16), 1 p.m. sa ANC (SkyCable ch. 27).

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maaari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply