Judge na nagpalabas ng TRO sa Echiverri case ipapa-disbar

NAHAHARAP sa kasong administratibo si Caloocan Regional Trial Court Branch 128 Executive Judge Eleonor Kwong matapos ilabas ang temporary restraining order laban sa pagsuspinde kay Caloocan City Mayor Enrico Echiverri.

Ito ay matapos maghain ng reklamo sa huwes si Caloocan Vice Mayor Edgar Erice dahil aniya sa “gross ignorance, gross negligence, and gross misconduct” ng court officer.

Hayagan pang inakusahan ni Erice si Judge Kwong ng pagiging bias pabor kay Echiverri.

Maalala na kahapon, pinagtibay na ng DILG ang suspension order laban kay Echiverri subalit napigilan sa inilabas na TRO ng korte.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply