K + 12 program ng DepEd makatutulong sa mga mag-aaral

MAKATUTULONG sa mga kabataan ang pagdaragdag ng taon ng pag-aaral o ang K + 12 program ng Department of Education na planong ipatupad sa susunod na school year.

Ito ang paniniwala ni Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz at sinabing isang paraan ang naturang programa upang higit pang mapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral at magkaroon ng de-kalidad na edukasyon sa bansa.

Sa kabila nito, binigyang-diin ni Cruz na ito’y kailangan ding sabayan ng programa laban sa kahirapan at suporta sa pag-aaral ng mga mahihirap na pamilya.

Paliwanag ni Cruz, tiyak na maraming magulang ang tututol sa naturang programa kahit pa makabubuti ito para sa kanilang mga anak dahil kahit walang bayad sa eskuwela ay puproblemahin din ng mga magulang ang pamasahe at allowance ng kanilang mga anak.

Kumpiyansa naman si Cruz na makakamit din ang quality education kung magkakaroon lang ng magagaling na guro at kumpletong school facilities ang bansa. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply