K+12 ng DepEd sinang-ayunan ng Simbahan

PABOR ang Manila Archdiocesan and Parochial Association o M-A-P-S-A sa pagkakaroon ng K+12 program ng Department of Education sa bansa upang lalo pang mapalawak ang edukasyon sa mga mag-aaral.

Ayon kay Msgr.Gerry Santos, pangulo ng MAPSA at executive secretary ng Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education, ang K+12 na ang solusyon para sa reporma sa edukasyon  sa bansa.

“K + 12 is one of the solutions to reform the education system in the country. It will address the congested curriculum. It will focus on desired competence for the students to learn about life and will able to find employment.” pahayag ni Msgr. Santos

Sinabi rin nito na sa pamamagitan nito ay mapapalakas ng Simbahang Katolika ang ‘values education program sa mga estudyante sa pampubliko at  pribadong paaralan.

Paliwanag pa ni Monsignor Santos na isang paraan din ito upang mapalawak ng Simbahang Katolika ang pagtuturo ng ebanghelisasyon sa mga kabataang estudyante.

Sinang-ayunan ng MAPSA ang sinasabi ni DepEd secretary Bro. Armin Luistro na pro-poor ang K+12 program.

Sinabi ni Msgr.Santos na makatotohanan na maipatutupad ng gobyerno ang programa ng dahan-dahan o gradual implementation para hindi masyadong maapektuhan ang gastusin ng mga mahihirap na magulang bunsod ng karagdagang curriculum.

Iminungkahi ni Msgr. Santos na nararapat na sabayan ng educational system ng bansa ang makabagong panahon at ito ay sa pamamagitan ng K+12 program.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply